Ang daming eksena sa utak ko. Nakabuo na ako ng shotlist. Cut to. Fade out. Sa mga ganitong pagkakataong madami akong kailangang gawin, ewan ko ba, ewan. Ilang oras pa kaya ang masasayang sa pagtunganga? Ilang araw pa kaya ako makikipagtitigan sa kompyuter?
Ang taba-taba ko na hindi ko pa rin mabuo-buo ang sequence treatment ko. Naka-ilang revisions na, gap 1 pa rin ako. Ni hindi ko alam kung bakit ito ang sinusulat ko, eh kailangan ko ng magsulat tungkol sa mga chichirya at mga gulay na naglalaban.
Matinding kalaban ang internet. Ito ang pangalawa sa matinding kaaway ng mga writers una syempre ang writer's block. google. yahoo. youtube. xtube. friendster. downelink. multiply. myspace. Matinding distraction talaga. Hanep.
------------------
Ext.MRT, North Ave.Dusk
"Ang taba mo grabe!" yan agad ang banat ni tsong ng nagkita kami. Oo nga. Pota, ang taba-taba ko na hindi pa rin tapos ang sequence treatment ko. Hanggang ngayon eh GAP 1 pa rin ako sa sinusulat kong kwento. Ni hindi ko na maintindihan, mukhang naghalo na nga ang balat sa tinalupan. Yung dating pinakbet assassins ko naging gulay rangers na at nahaluan pa ng mga chichirya monsters. Pag binabasa ko ulit ang kwento, parang pang adik na talaga.
Akala ko dati napakasimple ng gagawin ko. Yun bang tipong chicken feet talaga. Sabi ko sa sarili ko syet, i was born for this shit. Para sa akin talaga ang trabahong ito. Yun ang akala ko...
Cut to:
Ext.Giligan's Trinoma.Night
Ang daming buwan na ang nagdaan at nakita ko ulit ang mga ungas. Ang topic for that night pala: Welcome ceremony ng mga bagong single. Welcome to the clan. Tang inang mga to, kaya pala nag-aya ng inuman ay dahil nagluluksa sa unang beses ng pagiging single nila. Ang matindi sa mga ito, sobrang tagal na talaga ng mga relasyong pinakawalan nila, may umabot na ng dekada pero ganon daw yata talaga, may isa namang isinuko na ang lahat, tinanggap na nga niya kahit walang etits pero iniwan pa rin daw siyang parang tae.
Hay, kanya-kanya talaga. Meron namang bago pa lang eh nagbabanta na rin ng hiwalayan.
Teka, teka, teka,. Akala ko ba eh chill out ito?
Eh mukhang therapy at counseling ang nangyari. Nahaluan pa ng open forum at aminan kung sino daw ba ang mga pinagmambohan. Whatever that is.
Pag sina red horse, super dry at light na nga ang nakisali sa usapan, kung saan-saan na mapupunta.
Makakaabot ka sa mga bagay na akala mo tapos na. Pero wag ka, may book two pala.
Pag iniisip ko, parang nag-evolve na talaga ang problema ng mga tao. Kung dati eh thesis lang ang mga suicidal moments, ngayon hindi na talaga. Nag-evolve na rin ang usapang politika, trabaho at pag-ibig.
May hindi na nga ako naiintindihang balita.
Ewan ko, siguro hanggang ngayon eh nakakakulong pa rin ako sa apat na sulok ng utak ko. Yun bang wala akong pakialam sa inyo basta gagawin ko kung ano ang gusto ko. Isa lang ang buhay natin. Kaya wala na lang pakelamanan.
Pero mukhang lahat ngayon kailangan ko na lunukin yun. Iba pala. Hindi pwedeng hindi pwede. Naranasan ko na ang magpakaputa sa corporate na mundo. Pumasok araw-araw ng naka-long sleeves at leather shoes. Gumising ng maaga para sa pera.
Akala ko ok na ako ng ganon. Hanggang isang araw, nawalan ako ng boses. Inubo ako. At nilagnat. Hindi ko na kinayang pumasok.
Dahil wala naman akong ibang pwedeng gawin sa bahay kung magmasterbate at mag-internet eh pinili ko na lang yung huli para maging kapakinapakinabang naman ako sa mundo.
Napanuod ko ang first episode ng Bioman. Parang may kung anong kumislot sa puso ko. May sumundot sa utak ko. Nawalan ako ng hininga ng tatlong segundo at dun ko sinabi sa sarili ko, tang ina, tama na ang pagpapakaputang ito. Hindi ko alam kung bakit pero, that's when I decided na tama na. Quit na. Hindi dahil sa hindi ko na kaya o give up na ako. Sa katunayan gusto akong isumpa ng magulang ko dahil sobrang katangahan daw ang ginawa ko. Kung kelan naman daw ako mapropromote na saka ko kinalasan. Ang tanga-tanga ko daw. Sobra.
Kung alam lang nila ang pakiramdam ko, para akong nagpakasal sa isang matandang mayamang madaling mamatay. Daig ko pa yung puta sa may Papa Boyet's Cabaret. Minsan iniisip ko nga, mas maswerte pa yata yung ibang puta, siguro gusto pa nila ang ginagawa nila pero ako kahit saang anggulo ako makipagtalik, olats talaga.
Wala akong anggal sa trabaho, sweldo, sa tao sa opisina, sa boss ko, sa lahat. Isa lang talaga ang rason ko - ayoko na.
At yun na nga,.
Cut to:
Int.ABS-CBN, Exec. Lounge.Day
Ayos. Ilan kaya kami? 2 Ateneo, 4 UP, 2 Adamson, 1 makata, 1 alien, at syempre 1 letranista. 11 lahat kami.
Hanggang pumunta ng states yung isa mag-aabay daw sa kasal, yung isa naman eh sumuko na, yung dalawa nag-aral muna, hanggang sa yung iba eh na-evict na.
Cut to:
Int.Astoria.Day
Ano ba ito? Tama pa ba itong ginagawa ko?
Sir, kelan ko po kaya malalaman kung tanggap po ako? May offer po kasi sa akin na work, kaso day job, 9am-5pm, Monday na daw po ang start ko, papunta daw po ako ng Bantayan Island, Cebu. Pwede ko po kaya malaman, kasi po, ayos din yung work dun sa isa?
Bumabaliktad ang sikmura ko ng tinanong ko ito. Pero, pakapalan na ng mukha. Baka kasi umaasa ako sa wala.
Tinanong muna niya ako kung alin ang mas gusto ko. Sabi ko, syempre, iyon.
Eto na,sinabi ko sa sarili ko, ayos lang kahit hindi matanggap. Eh ganon talaga. Ang importante malinaw. Baka mamaya hindi ko siputin yung isang trabaho tapos yun pala wala naman pala akong inaasahan dito.
Nung isang araw ka pa tanggap diba?
Parang natapos bigla ang bagyo sa puso ko ng narinig ko yun. Wow. Isa na akong certified brainstormer.
Lesson learned: Hindi masamang magtanong.
Cut to:
Ext.Giligan's Trinoma.Night
Tsong, alam mo ba kung bakit Trinoma? Para kasing hindi maganda pakinggan. Parang kung papapiliin ako kung saan ko mas gusto pumunta at hindi ko alam kung ano ang trinoma at 168 eh mas pipiliin ko pa ang 168.
Oo nga. Parang sakit sa mata. Myopia. Myoma.
Pero ang Trinoma daw ang pantapat ng Ayala sa MOA ni Sy. Sa katunayan, may balak yatang lagyan to ng IMAX.
Kung kay Sy ang Pasay, kay Ayala naman ang North Ave. Tsk. Tsk. Tsk. Ang mga burgis talaga, hanggang ngayon nagpapatalbugan, kung dati eh mga mga bukid at koprahan lang ang labanan, ngayon mga malls naman.
Isa pa, ang init-init sa Giligans, Trinoma. Yun ang matinding difference ng MOA at Trinoma. Iba ang hangin sa MOA, malamig. Malamang dahil ito sa Manila Bay. Or, iba lang talaga ang klima ng North at South. Purong lamig meron sa South, samantalang magkahalong lamig at init naman sa North.
At sa sounds panalo, kulang na lang babaeng nagsasayaw.
Hay buhay, basta ako... Robinsons Pioneer lang solve na ako. May sinehan, may Shakey's, Tokyo Tokyo, Kwek kwek, TOM's at National bookstore also known as National eyebolan. Kumpleto na ako. Kay Gokongwei pa rin ako.
Cut to:
Ext.Starbucks.Dawn
Usapang nakaraan, self defense mechanism at multo over coffee.
Siguro nga madaming multo sa ABS-CBN, ayon kay Bhugzey, eto ang mga lugar na dapat iwasang puntahang nag-iisa:
* 12th floor ng ELJ - nandon daw yung mga gamit ng mga namatay sa stampede sa Ultra.
* 15th floor ng ELJ - yun ang dating office ng CDG at may mga events daw talagang may nagpaparamdam doon.
Isa pa, ang mga urban legends sa parking, doppelgangers, at mga multong nakikitira daw sa bahay ni kuya.
Hindi ko alam kung mainit lang ba talaga ang panahon o talagang nagsesebo na ang katawan ko kaya init na init ako.
Kaya bilib ako sa dalawang umorder ng mainit na kape. Wow. Astig.
Yun na lang ang nasabi ko.
Naalala mo pa ba yung dati? Kay Laurel? Sa Economics? Yung nag-ring ang cellphone mo? Tapos sabi ni Laurel magpapaquiz daw siya pag walang umamin. Galit na kami nun sayo eh, kasi ikaw lang naman talaga ang may ganung ringtone. Tapos para magmukha kang hero, kunyari inako mo na lang, na ikaw na lang para wag na madamay ang buong klase? Eh cellphone mo naman talaga yun?!
Sa totoo lang, hindi ko na talaga matandaan ito. Pero ang natatandaan ko eh yung pinepechay natin dati? Ano ngang pangalan nun? kay Laurel din yun eh. Sa Economics class. Nag-uunahan pa nga tayo para maging seatmate natin yun eh. Hehehe, memories.
Si Bleep Bleep. (for the sake na madami ang makakabasang letranista eh tatawagin ko siya sa alias na bleep bleep)
Oo! Si Bleep Bleep. Hanep yun. Ang talino nun ano? Psych major yun eh.
Kilala yun ni Bully. Syempre. Psych si ... (para maiwasan ko ma-bully eh puputulin ko na ang sentence na ito)
Cut to:
Manong Guard: Sir, may kaibigan po ba kayong nakaputi? Hilong-hilo na po kasi dun. Nagsusuka na.
Hay naku, classic nanaman ang eksena nitong si Nikki, mala- Lino Brocka. Parang nilapastangan ng sampung tibo. Parang na-gangbang ng mga sekyu.
Cut to:
Ext.Espana.Dawn
On the way sa Institusyon ng Makata:
Ano kaya ang pakiramdam ng mahigit 7 years na kayo, binigay mo naman lahat ng gusto niya, tinanggap mo na nga na wala siyang etits eh, pero biglang babay na dahil may bago na siya? Siguro parang tae nga. Yun bang sorry, ayoko na sayo, pero mamaya pag gusto ko na ulit eh babalikan kita. Grabe ang mga dilemma ng mga kaibigan ko, parang nakikipagpomyang sa tadhana.
Siguro nga ang sakit nun. Pero, sa ayaw at sa ayaw mo, eventually, makakarecover at makakarecover ka eh. Freaky nga lang dahil biglang one day, magigising ka na lang over ka na. Hala, ano na ang nangyari sa mga gubas statements mo na "siya lang talaga, kung hindi siya di bale na", "hindi ko na kayang umibig ulit, sobrang sakit kuya eddie",
Ilang beses ko rin sinabi to sa sarili ko dati, sabi ko, ayoko na magka-syota. Ayoko na talaga. Para nga akong pato. Kung hindi nyo na itatanong ang mga pato ay mahirap makarecover pag nawalan sila ng mate, minsan, hindi na talaga sila nakakarecover hanggang sa mamatay sila. Exactly the opposite ng mga rabbit, kung gaano kalibog ang mga kuneho, ganun naman kapihikan ang mga pato. (ito ay hango sa isang PETA magazine)
Don't get me wrong. Isa akong Freudian. Isang self-confessed-hentai. Pero, tang ina, kahit ganito ako, may pinipili talaga. Sa katunayan sa sobrang mapili ko, nawawalan ako ng kaibigan.
Isa na lang ang nasabi ko: Wag na lang panghinayangan ang mga matatagal na relasyon kung alam naman na wala na talaga... kasi mas madami pang panahon ang masasayang kung ipagpapatuloy pa.
Kung natatakot naman na baka wala ng mahanap na iba, eh ewan ko na lang... siguro lahat naman talaga dumadaan dito sa ganito. Ito ay isa sa mga bagay na hindi pwedeng hindi pwedeng pagdaanan.
Pero sa bawat relasyon na pinagdaanan ko, parang nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makasama ang bawat isa sa kanila. Siguro, kung nag-stay ako sa isang relasyon ngayon dahil lang sa rason na sayang na ang pinagsamahan, may mga tao akong na-missed out sa buhay ko. At yun siguro ang panghihinayangan ko ng todo.
Pagbaba ko ng taxi naisip ko may dalawang aspetong kinatatakutan ang mga tao:
Una, ang mga multo, 12th flr ng ELJ building, Victor Wood sa senado at si Totoy Mola,
Pangalawa, pag-iisa at pamamaalam.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment