Wednesday, August 29, 2007

Pag Kulang Ng Limang Piso Ang Pamasahe Mo Pauwi

Pag kulang ng limang piso ang pamasahe mo pauwi… eh pagsisisihan mo
kung bakit nag-yosi ka pa… tapos maalala mo ang mga ex mo… at ang mga
EXperience mo dati katulad ng mga sumusunod:

ex #1: The Lola's Boy

Tagpuan: Kodak sa may kanto

EXperience: First love, first date, walang pera, takas pa, kaya dapat
quickie lang, noong highschool, sossy ka pag nakita ka nila sa
Greenwich…kaya hindi na ako tumanggi dahil once in a blue moon lang
manlibre `tong ex kong ito… syempre first date, excited ako… 3 times
akong nagtootbrush, nagsabon ako gamit ang Heno de Pravia ni Inay, at
naligo ako ng pabango na binili ko sa Penshoppe (pinag-ipunan ko ito,
siguro 1 week kong pinigil ang cravings ko sa champoy at fishball).
Syempre proud na proud ako…biruin mo…todo japorms ako( eh sa market
place lang ang punta), Neon Green Undershirt and Jumper, naka
Skechers pa( mayayaman lang ang meron nito noong highschool), socks
ko Adidas kaso badtrip kasi hindi naman kita. Grabe ang ngiti niya ng
nagkita kami sa may Kodak, (hindi pwede sa bahay dahil bubugbugin ako
ng tatay ko) tapos lumapit siya sa akin… syempre expected ko na yun…
tinanong niya kung anong pabango ko… walanghiyahayopasyit syempre
proud ako…"Penshoppe yan" sabi ko…

"Ah, kasi pareho kayo ng amoy ng LOLA ko eh." Sabi niya.

Hindi na natuloy ang first date namin…umuwi na lang ako at iniregalo
ko sa Lola ko yung "Penshoppe" na pabango noong Christmas.

Moral Lesson: Mag-baby cologne na lang pag kasama si ex #1.

ex #2: The Ego-Crusher

Tagpuan: McDo, Barangka Drive

EXperience: Sa San Roque Church kami nagkakilala, at doon lang din
kami pwedeng magkita dahil kasama sa sampung utos ng tita ko
ang "Bawal ang Boypren". Magsimba daw ako (hindi talaga ako
nagsisimba, pero sige na nga)…syempre todo porma ulit, gamit ang
combined forces ng rexona roll-on at safeguard green medyo
kinalimutan ko muna ang paggamit ng Penshoppe na pabango, this time
natuto na rin akong gumamit ng mouthwash, medyo nagkahubog na rin ang
aking katawan kaya naisipan kong magsuot ng "fitted" shirt na binili
ko sa HerBench (medyo masama pa rin ang loob ko sa Penshoppe).

Hindi rin masyadong nakapagconcentrate sa misa dahil panay ang
patweetums niya sa harap (Sakristan siya), muntik pa ngang madulas
kasi hindi tumitingin sa dinadaanan…isip ko tuloy dahil ito sa
matinding powers ng "fitted" shirt ng HerBench…Pagkatapos ng misa,
nagyaya siya sa McDo…syempre libre kaya sumama ako, kasama din namin
yung bestfriend niya…nang umupo ako tumabi siya sa akin sabay sabi sa
bestfriend niya…

"Look, my baby has baby fats."

sabay himas sa tyan ko…
nagdilim ang paningin ko pagkatapos nun…
unti-unting kumilos ang kamao ko papunta sa mukha niya (parang matrix)
bumilis ang mga pangyayari at…
bigla ko siyang nasapak…
ayaw ko sa lahat eh yung tatawagin akong "baby" pero mas ayoko yung
pinagkalat pa niya yung tungkol sa baby fats ko… badtrip talaga!

Sorry na lang kung na-dislocate ko ang ilong mo.

Moral Lessons: Wag hihinga pag uupo sa McDo pag kasama si ex #2.
Wag ding magsusuot ng "fitted".

ex #3: The Confused

Tagpuan: Inside the Car

EXperience: First Monthsary, oo tama yan, naranasan ko rin yan dati.
Walang pambili ng regalo kaya't naisip ko na lang na magtakas ng
scented candles para kay lolo sa November. Dahil hindi siya kumakain
ng gulay ay naisipan kong yung "kalabasa" na lang ang kunin.
Pagkatapos ibigay ang "Mrs. Field's Cookies" sa akin eh ako naman
ang bumanat…

" Me too, I have something for you" pakikay ko. Sabay bigay sa
"kandilang kalabasa".

Tapos, tinignan niya with confusion ang kalabasa… sabay tanong…

What's this?

Gusto kong sumagot…gusto kong sabihing "kalabasa yan" pero kelangan
sossy… eh hindi ko maalala ang english ng kalabasa…naku pano na?
After 5 seconds of recalling what the heck is "kalabasa" in english
eh answered prayer ako…

"Squash" sabi ko with confidence…

"Um, hindi ba… PUMPKIN?" Tanong niya with confusion…

Ano ba yung pumpkin? Pagkain ba yun? Tanong ko

"Nevermind, let's go, saan mo gusto pumunta?" sabi niya

(Ng naalala ko na malapit na pala ang Halloween… eh naalala ko rin
kung ano ang pumpkin…)

Gusto ko sanang pumunta na lang sa Pluto na mga panahong iyon…

Moral Lessons: Hindi sossy ang "Squash"… dapat "Pumpkin".
Magpakatotoo ka, eat kalabasa!


ex #5: The Philosopher

Tagpuan: M1, Greenbelt

EXperience: After a movie marathon at pagkatapos magastusan ng
mahigit 200bucks para sa dalawang tall mocha frappuccino at magpacute
sa Starbucks eh we decided to go to M1, para magtingin ng mga bagong
CDs. Pumunta kami sa Jazz section…
"Eto yun, try this…" sabi ko (nagfefeeling na may alam ako sa jazz)

After hearing the record I asked…

"ok ba si Michael Babol?"

"Duh?!" "You mean… Michael Buble my dear" sabi niya…

After that dumerecho kami sa National Bookstore…Binilhan niya ako ng
Webster Dictionary.

Moral Lessons: Manood muna ng My Myx bago makipagdate kay ex #5.
Makinig kay Mam. Macaraig.


Kuto…hindi ako nagkaroon ng ex na kuto pero gusto ko lang I-share
kong ano ang nalaman ko tungkol sa kuto noong kasalukuyang nagsusunog
ako ng baga kina mommy (tambayan). Ayon kay Mark Brian Villanueva ay
may apat na stages bago ka maging kuto una rito ang kuyumad na kung
saan ay itlog ka pa lang…pangalawa ay ang kuyupi kung saan ikaw ay
napisa na, pangatlo ay ang lisa…also known as baby kuto, at KUTO kung
ikaw full blown kuto na talaga…


ex #4: The Assassin

Tagpuan: Walls, Intramuros

EXperience: Wala akong tulog dahil madaling araw na ako nakauwi
galing Malate. Naglasing dahil may nanlibre ng beer. Naku! May date
pala kami ni ex #4 sa walls…manonood kami ng mga lumilipad na golf
balls. Kaya ng naalimpungatan eh dali-daling nanligo…naku ubos na
pala ang shampoo… di sige wala ng oras…hindi na ako pwedeng lumabas
dahil nakabold na ako…nagsabon na lang ako ng Dr. Kaufman's Sulfur
soap… yun na rin ang ginawa kong shampoo. Dahil sa malagkit na buhok
ay nag-gel na lang ako…nanligo ng bago kong pabango at dumeretso sa
Walls…
Nandoon na siya…nagsorry ako…at
habang nagkwekwentuhan kami ay biglang…

"Ano to?…"
"Naku may kuyumad ka…"
"Dapat puksain…"

(parang assassin talaga kung tumiris)

Plok!…

"Ayan patay na…"
"Alam mo dati…marami akong kuto… pero simula noong gumamit ako ng
Shellgard namatay silang lahat…try mo epektib… satisfaction
guranteed… pwede mo namang ibalik kong hindi umubra within one week…
ano order na ba kita?"

Hanggang ngayon nag- eecho pa rin yung "Plok" sa utak ko…

Isa na lang ang naisip ko…
Naging maganda siguro kung naging kuto na lang ako…


Moral Lessons: Wag matulog sa Malate katabi ng naka dreadlocks.
Wag maglasing a day before makipagdate kay ex
#4.
Maligo ng tama.
Wag gamitin ang sabon sa paa as shampoo.
Puksain ang mga kuto with the help of ex #4.
Gumamit ng Shellgard: epektib, satisfaction
guaranteed at pwede mong ibalik kung hindi umubra within one week,
ano order na kita?

1 comment:

hjoan said...

nakakaaliw.
i enjoyed reading...
:-)